MT4 VS MT5
MT4 vs MT5
Isang kumpletong paghahambing sa MetaTrader 4 at MetaTrader 5 forex trading ng mga platform
Habang ang MT4 at MT5 ay malawak na available at accessible sa lahat ng mga BDSwiss na mga kliyente, may ilang mga pangunahing pagkakaiba na kailangan ninyong ikonsidera kapag pinipili ang inyong desktop platform. Ang bago at pinahusay na Metatrader platform, ang MetaTrader5 ay ipinagmamalaki ang state-of-the-art na mga feature nito kasama na ang mga opsyon para sa hedging, habang ang MetaTrader4 ay hindi masyado ganoong ka-advance at mas angkop para sa mga trader na bago sa market. Hindi sigurado kung alin ang pipiliin? Aming ipinagkukumpara at ipinagkakaiba ang dalawang MetaTrader na mga platform para sa inyo sa talaan sa ibaba.
Mga Uri ng Pending Order
Ang mga uri ng pending order na hinihiling sa broker na bumili o magbenta ng isang financial security sa ilalim ng mga paunang tiniyak na mga kondisyon sa kinabukasan
Mga teknikal na panukat
Ang bilang ng mga teknikal na panukat, na awtomatikong matutuklasan ang mga pattern sa pag-iiba iba ng presyo ng financial instrument at makakatulong sa mga user na makapagdesisyon sa pag-trade
Mga Graphical Object
Ang bilang ng mga analytical object na nakakatulong na tukuyin ang mga gawi sa pagpepresyo ng financial instrument, matuklasan ang mga cycle, tukuyin ang support/resistance level at marami pang iba
Mga takdang panahon
Ang bilang ng mga takdang panahon — mga pagitan ng oras kung saan ang mga quote ng financial instrument ay naka-grupo
Economic Calendar
Ang handang pagkakaroon ng Economic Calendar na kinabibilangan ng mga publikasyon ng macroeconomic na panukat sa iba’t ibang mga bansa, na makaka-apekto sa mga presyo ng financial instrument
Email System
Ang feature ng built-in na email service, na pinapahintulutan ang mga user na makatanggap ng mahahalagang impormasyon mula sa broker na diretso sa platform
may mga attachment
walang mga attachment
Embedded MQL5.community chat
Posibilidad na makapag-chat sa iba pang mga trader nang direkta mula sa platform
Tagasubok ng Estratehiya
Trading robot testing at optimization modes na suportado ng built-in na Tagasubok ng Estratehiya
Multi-threaded
+ Multi-currency
+ Real ticks
Single thread
Hedging
Support para sa hedging accounting system, na pinapahintulutan ang pagkakaroon ng maramihang posisyon ng financial instrument, sa kapwa pareho at salungat na direksyon
Compatibility
Kakayahan na makapag-download at gamitin ang platform sa iba’t ibang mga operating system. Pinapahintulutan nito ang user na mag-download ng MetaTrader platform, ma-access ang kaniyang account at makita ang lahat ng nakaraang mga posisyon / na-rekord na data sa anumang compatible na operating system.
Aling trading platform ang mas mainam para sa inyo?
Ang karamihan sa mga dalubhasang mga trader ang makakapagsabi sa inyo na ang gusto lang talaga nila mula sa isang trading platform ay isang bagay na maaasahan at madaling gamitin, intuitive, at hindi nagka-crash. Ang bawat platform ay bukod-tangi at may mga magaganda at di magagandang katangian, kaya’t pinakamabuting unawain kung ano ang gusto ninyo sa isang forex account, at platform bago kayo mag-umpisa.